LARGER than LIFE :)

CONFESSION: I’ve got a lot of moving ons to do..

Pasyensya na kung gagawing kong diary, shock absorber or buhusan ng sama ng loob ang dashboards niyo… pero lately, unti-unti ko nang namamalayan na hindi ko na kilala ang sarili ko..

Hindi ko alam kung saan at kelan nagsimula.. pero napapansin ko sa sarili ko, nagiging overly hateful na ko sa maraming bagay. parang lagi na lang akong me reklamo o masasabi sa mga bagay na nangyayari sakin. ang dali dali kong mainis ngaun.

Nabuhay nanaman kasi siguro ung galit sa puso ko.. andun na ko sa point ng pagpapatawad.. pero my nangyari na nakapagpabalik ng galit sa puso ko. isa lang naman ang taong nagturo sakin kung ganu kasakit ang traydurin at nakapagpa-realize sakin na mahirap magpatawad.. un ay ung ex ng bf ko.

hindi ko na ikkwento ung nangyari samin dati pero ginawa niya ulit un sa ibang babae.. at ung babaeng un, nakahanap ng kakampi sa katauhan ko. at ako rin sa kanya dahil sa kauna-unahang pagkakataon, may nakaintindi ng nararamdaman ko. lahat ng pag iinarte ko dahil sa mga nangyari may nakasabay ako ngumalngal.. pero hindi ko namalayan na bumalik ang galit sa puso ko habang dinadamayan ko siya. naging kaibigan ko siya. at dahil dun, walang araw na hindi ko naiisip ung ex nung bf ko.. masakit man aminin pero parang umikot ng bahagya ang buhay ko sa kanya dahil walang araw na hindi siya papasok sa isip ko at ang mga ginagawa niya sa buhay niya at kung anu ung ginawa niya sakin dati..

ang dami kong nagawang mali na kung ako to dati, hindi ko to gagawin.. ang daming masasamang bagay akong nagawa dahil sa galit na un. nakakapag mura ako sa isip ko.. nawalan ako ng tiwala sa lahat ng bagay, nanloko ako ng kapwa.. ewan ko ba kung bakit naging ganto katindi ung feedback ng mga pangyayari sakin. hindi ko na talaga kilala sarili ko.. nakakapagsalita ako ng di maganda. nakakapag isip ng hindi maganda.. sabi ko nga sa sarili ko, my mind isn’t the nicest place to live with.. it’s the most filthiest place ever.

dahil sa galit, ang hate naging despise. umigting. ngaun, bilang isang photographer, pag nakakakita ako yung dati kong tinuruan na trumaydor sakin na kasama ung mga idolo ko na nakakasama ko dati, naiinis ako. naiinis ako. hindi ko alam kung bakit naging ganto ako. alam ko naman na hindi ko sarili ang photography pero naiinis talaga ko. :’(

nami-miss ko na ung dating ako sa totoo lang.. miss na miss ko na ung tahimik na buhay.. miss na miss ko na ung dating ako na madaling makalimot at magpatawad.. nami-miss ko na ang may peace of mind.. hindi ko alm kung bakit pero alang araw na lilipas na hindi ako makakapag isip ng malalim.. sa sobrang sama ko ngaun, maski magulang ko nasasagot ko, hindi naman ako ganto dati. para bang nakakulong ako sa sarili ko. hindi ko alam.. parang tamad ako sa lahat ng bagay. napaka-dali ko nang magsnap.. wala na ata sa bokabularyo ko ang paxenxa.. nahihirapan ako magpatawad.. nahihirapan din ako mabuhay..

ang bigat sa pakiramdam.. sobrang bigat.. natatakot ako… baka hindi ko na makita at maibalik ang sarili ko.. at malamon ako ng kadilimang ga-sinulid lang ang layo sakin… natatakot ako para sa sarili ko.:( (january 20,2012)


To Tumblr, Love PixelUnion

We're updating Fluid!

Soon, we'll be updating the look and feel of this theme. Read about the changes here. You can easily turn off this notification in the theme customization panel.

Close